Pumunta ako sa bahay nila Nina Bahjin kanina para sa isang ensayo para sa Sabayang Bigkasan. Ang dami na palang nabago simula nang huli akong tumungo doon. Ang bilis naman talagang magbago ng panahon. Nasa gredskul lang naman pala ako noong huli akong nakarating sa bahay ng anak ng Sultan [wahehe].
Isa ako sa mga unang nakarating sa bahay nila Nina para sa ensayo. Tulad ng ibang mga pagpupulong, hindi na naman kami nagsimula sa pinag-usapang oras. Nagsimula kaming mag-ensayo nang alas diyes, isang oras matapos ang pinag-usapan naming oras, at natapos kami ng alas dose.
Bago kami nagsimulang mag-ensayo, nagmasid muna kami sa paligid ng bahay ng pamilya ng Sultan. Kapansin-pansin ang mga medalyang nakapaloob sa mga frames na nakasabit sa dingding. Sobrang dami ng mga iyon! Iyon pala'y pag-aari ng mga kapatid ni Nina. Kaya naman pala hindi nakapagtatakang napipilitan si Nina na mag-aral nang husto. Pinaglaruan din namin ang mga clear books na nakapatong sa isang mesa sa sala. Katawa-tawa ang mga litrato noong bata pa si Nina't kanyang mga kapatid. Hindi rin namin naiwasang paglaruan ang piyanong madaling nakapag-anyaya ng mga tao. Matapos ang mga ito, seryoso naman naming sinimulan ang aming pag-eensayo.
Naging masaya't maayos naman ang kabuuan ng aming ensayo.
Hanggang dito na lang muna. Paalam.
-aying, yves
.